Umabot sa siyam katao (9) ang namatay at labing-isa ang sugatan matapos ang insidente ng pamamaril ng dalawang armadong lalaki sa mga sibilyan sa Bondi Beach, Australia nitong araw ng Linggo, Disyembre 14, 2025
Sa ulat ng pulisya, nasa kanilang kustudiya na ang mga suspect na kung saan isa dito ay nasa kritikal na kondisyon matapos tamaan ng bala sa pakikipagpalita ng putok ng mga awtoridad.
Sa pahayag ni Prime Minister Anthony Albanese, ang naturang pangyayari umano ay isang nakakagulat at nakakabahala.
“Police and emergency responders are on the ground working to save lives. My thoughts are with every person affected,” ani Albanese.
Sa kasalukuyan wala pang ibinibigay na impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa dahilan ng insidente habang nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.
Ang nangyaring pamamaril ay ang pinakabagong naitalang mass shooting sa loob ng 29 na taon.

