36 Katao Patay sa naganap na Sunog sa Hong Kong, Bilang ng nasawa posible pang tumaas

Umakyat na sa 36 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa apartment complex sa Hong Kong.

Ayon sa Hong Kong’s Chief Executive John Lee, hindi pa nila tuluyang naaapula ang sunog.

Sa pagtaya ng mga owtoridad aabot pa sa 279 katao ang patuloy na pinaghahanap na maaring na-trap sa nasunog na gusali.

Umaabot namansa 29 na katao ang dinala sa pagamutan dahil sa tinamang pinsala nito at ang pito rito ay nasa kritikal na kalagayan.

Kaagad namang pinalikas ng mga otoridad ang mga nakatira sa Wang Fuk Court sa Tai Po kung saan nangyari ang sunog.

Umaabot sa walong towers na mayroong 31 storeys na mayroong 2,000 residential units.

Sa paunang imbestigasyon ng mga owtoridad ang sunog ay nagsimula dakung alas-3 ng hapon hanggang mabilis na itong kumalat na nagbigay pinsala sa mga nasasakupan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top