Kinumpirma ng World Wrestling Entertainment na pumanaw na Wrestling Legend na si Terry Bollea na kilala bilang si Hulk Hogan sa edad na 71.
Hindi binanggit ng WWE ang dahilan ng pagpanaw ng Hogan.
Ayon naman sa mga kamag-anak ni Hogan ay nagkaroon ito ng cardiac arrest sa kanyang bahay sa Clearwater Florida.
Dinala sa pagamutan subalit ito ay dineklarang Dead on Arrival
Si Hogan ay nagsimula sa kanyang wrestling career noong 1977 at nakilala sa wrestling noong dekada 80 at 90.
Taong 2018 ng muling itong naibalik sa WWE Hall of Fame matapos na tanggalin dahil sa pagiging racist nito.

