Parents Welfare Act isinusulong sa Senado ni Senador Panfilo Lacson

Parents Welfare Act of 2025, ito ang panukalang inihain ni Senador Ping Lacson upang matiyak na hindi iiwanan ng mga anak ang kanilang mga may edad na magulang sa oras ng pangangailangan.

Layunin nito na maparusahan ang mga anak na hindi magbibigay ng suporta na kailangan ng kanilang mga magulang.

Ayon kay Senador Lacson, may ilang mga kaso na kung saan iniiwan ng mga anak ang kanilang magulang sa kabila ng wala ng kakayahang suportahan ang kanilang sarili kaya nararapat umanong magkaroon ng proteksiyon ang mga magulang sa kanilang kapakanan.

Ayon pa rito ang mga magulang na nangangailangan ng suporta ay maaring maghain ng petition for support sa korte para magkalabas ng support order sa mga anak na hindi nagbigay ng suporta.

Pagdating naman umano sa legal fee, ito ay maaring pagsilbihan ng Public Attorney’s Office na walang hinihinging kabayaran.

Sa naturang batas ang sinuman umanong anak na hindi magbigay ng suporta sa kanilang anak ay maaring patawan ng levy. Kung hindi sumunod sa utos ng tatlong sunud-sunod na buwan ng walang dahilan ay maari silang makulong ng isa hanggang anim na buwan at multhan ng Php 100,000 at ang sinumang inatasang mag-alaga sa magulang at iiwan sila ay maaring makulong ng anim hanggang sampung taon at pagmultahin ng Php 300,000.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top