Walang Pasok | July 14, 2025, Fake News???

Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang lumabas na balitang suspendido ang klase ngayong araw July 14, 2025. Ayon sa MMDA ito umano ay isang Fake News at kailangan umanong managot kung sino man ang gumawa ng naturang balita.

Ang naturang advisory ay bunsod na rin sa kumalat na post sa dalawang Facebook Page na Walang Pasok Advisory at Philippine Weather Specific System/Pacific Storm Update na nakapaloob dito ang logo ng ahensiya.

Pinaalalahanan ng MMDA ang publiko na maging responsableng social media user at ishare lamang umano ang nakukuhang impormasyon mula sa verified news and information mula sa mga pages ng gobyerno at social media account.

Matatandaan nitong araw ng linggo nagpalabas ang forecast ang PAGASA na kung saan ang southwest moonson o kaya naman habagat ay patuloy na magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan ay wala pang namamataang low pressure area habang patuloy rin namang minamanmanan ang pagbuo ng isang tropical storm Nari sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Source: MMDA

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top