Priority Line para sa mga estudyante binuksan na ng MRT 3 at LRT 2

Maliban sa senior citizen priority lane sa Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit Line 2 ay binuksan na ng pamunuan nito ang student lane.

Ayon sa Department of Transportation, layon ng nasabing lane ay upang mapabilis ang pagpila ng mga mag-aaral dahil sa biglaang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong estudyante matapos itaas ang discount nito mula sa 20% patungo sa 50%.

Ayon sa DOTr sakop ng naturang line ang lahat ng mag-aaral kabilang na dito ang post-graduate programs subalit kinakailangan nitong magpakita ng kanilang student IDs sa kasalukuyang taon o ang pruweba na sila ay naka-enroll para makakuha ng diskuwento.

Ang naturang hakbang ay para mapabilis ang pagpila at maiwasan ang pagkalate ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top