Paggamit ng makabagong Teknolohiya ng kapulisan iminungkahi ng Pangalawang Pangulo

Paggamit ng makabagong teknolihiya ang solusyon hindi ang pagpapakalat ng kapulisan sa mga kalsada, ito ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte matapos ianunsiyo ang plano ng Philippine National Police na maglalagay ng presensiya ng mga kapulisan sa kalsada.

Ayon pa dito, masyado ng luma ang nasabing hakbang ngayong panahon ng paglulungsad ng makabagong teknolohiya.

Mas mabuti pa umanong bigyang pansin ang paggamit ng teknolohiya katulad ng paggamit ng drones aat robots na posible ding mapabilis ang pagsugpo sa krimen sa ating bansa.

Matagal na rin umanong problema ng kapulisan ang kakulangan sa upgrade ng mga kagamitan kaya marapat itong matugunan.

Magugunitang inihayag ni PNP Chief Nicolas Toree III na dapat ang mga kapulisan ay nasa kalsada para sa loob ng limang minuto ay makakaresponde agad sila sa krimen.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top