P5000 Buwanang Allowance para sa mga estudyante isinusulong sa Kamara

Isinusulong ng AKBAYAN Party-list Rep. Perci Cendana sa 20th Congress ang panukalang magbigay ng Php 5,000 na buwanang allowanc para sa mga estudyanteng anak ng mga miyembro ng 4Ps na nakaenroll sa state universities and colleges (SUCs).

Ayon sa mambabatas kung naisabatas ang panukalang Baon Act o House Bill 11422 sa katatapos na 19th Congress saktong sakto umano ito para sa pagbubukas ng klase ng mga estudyante, lalo na para maipambili ng mga school supplies at iba pang gamit.

Ayon pa dito makaaasa ang mga kabataaan na magiging prayoridad ang panukala ngayong 20th Congress.

Ang naturang panukala ay malaking tulong para makatutok ang mga estudyante sa pag-aaral imbes na mag-alala kung saan kukuha ng panggastos sa projects, pagkain at pamasahe at ito umano ang magiging garantiya upang maiwasan ang drop-out ng mga mag-aaral.

Sinabi pa nito na dapat tuloy-tuloy ang pag-aaral hanggang makapagtapos ang kabataan upang hindi nila manahin ang kahirapan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top