Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad na nakatalaga bilang R-PSB Team sa Barangay Tanawan Capalonga, Camarines Norte ang isang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) na kinilala bilang si Ka Bert na kasabi bilang LP1 KP1 ng Armando Catapia Command nitong May 30, 2025.
Dakung 11:30 ng umaga ng sumuko si Ka Bert sa tulong ng 503rd MC RMFB5 (lead unit) katuwang ang Capalonga MPS, CNPIU, 91st Special Action Company (SAC), 9th Special Action Battalion (SAB), PNP Special Action Force (SAF), 2nd PMFC at 85th IB ng Philippine Army.
Ang boluntaryong pagsuko ni Ka Bert ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa ilalim ng Executive Order No. 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kasama ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) program. Kasama sa kanyang pagsuko ang kanyang armas na kalibre 38 rebolber at 9 na bala nito .
Ayon kay Ka Bert, nagdesisyon siyang sumuko upang magkaroon ng pagkakataong magbago at muling makapiling ang kanyang pamilya sa isang payapang pamumuhay.
Hinihikayat naman ng kapulisan ang iba pang mga kasapi ng armadong kilusan na magbalik-loob sa gobyerno at huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga otoridad. Tiniyak niya na sila at ang kanilang mga pamilya ay buong pusong tatanggapin ng pamahalaan upang makamit ang tunay na kapayapaan.