Nagdadalamhati ang sambayanan ng showbiz matapos pumanaw ang Filipino Folk Singer na si Freddie Aguilar sa edad na 72 ngayong araw ng Martes, Mayo 27, 2025 sa Philippine Heart Center.
Ang naturang balita ay kinumpirma ni Atty George Briones ng Partido Federal ng Pilipinas kung saan nating National Executive Vice President si Aguilar.
Si Aguilar ay minsan ng naging kandidato sa Senado ngayong hindi ito pinalad gayunpaman ay tuloy pa rin ang ipinakita nitong suporta sa dating pangulong Rodrigo Duterte.
Siya ay maituturing na haligi ng Origanal Pilipino Music (OPM) dahil sa iconic na kantang Anak.
Siya ay ipinanganak noong Pebrero 5, 1953 at nakapagsimulang gumawa ng sariling kanta sa edad na 14 at kalaunan ay naging isang street musician bago sumikat sa folk clubs at bars.
Kilala rin siya sa kanyang rendisyon ng Bayan Ko na naging awit ng oposisyon laban sa Martial Law noong EDSA Revolution noong 1986.