Ilang araw matapos ang 2025 National and Local Election ay tuluyan ng iproproklama ng Commission on Election ang mga nanalong Partylist Organization mamayang alas-3 ng Hapon.
Ito ay napagpasyahan ng National Board of Canvassers at nilinaw nito na walang magaganap na Partial Proclamation at sa halip ay boung listahan ng mga nanalo ang kanilang iproklama.
Kasunod nito ay ilalabas na ng NBOC ang resolution sa proclamation ng mga nanalong party-list groups kabilang ang bilang ng mga nakalaang upuan para sa kanila.
Mayroong nakalaang 63 na upuan ang nakalaan para sa mga party-list representative pero patuloy na pinag-aaralan ng COMELEC ang legal remedy sa hirit ng ilang grupo na dapat mayroon pang dagdag ba isa.
Ayon kay Garcia, ibinase umano niya ito sa party-list forumula na ibinahagi ng Korte Suprema sa 2009 ruling nito.
Batay sa National Certificates of Canvas (COC) na inilabas ng NBOC ay pasok na sa partylist ang mga sumusunod na pinangunahan ng AKBAYAN na sinundan naman ng Duterte Youth, Tingog, 4Ps, ACT-CIS, Ako Bicol, Uswa Ilonggo, Solid North, Trahabo at CIBAC.