Inilabas na ng Angeles City Regional Trial Court Branch 118 ang warrant of arrest laban kina dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque at kontrobersiyal na Chinese businesswomen na si Cassandra Lie Ong kasama ang sampong iba pa.
Ito ay kaugnay sa kasong qualified human trafficking na inihain laban sa kanila ng gobyerno.
Matatandaan na bago ang naturang kaso ay inakusahan ang naturang personalidad sa ilegal na operasyon ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga sa pagtutulungan ng PNP at PAOCC.
Ang kasong ito ay walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa sa oras na madakip ito.