Nagpahayag ng kasiyahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng malaman niya ang kanyang pagkapanalo bilang Mayor ng Lungsod ng Davao.
Ayon sa kanyang bunsong kapatid na si Bong Duterte, binisita niya ang kanyang kapatid sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa the Hague, Netherland at kaagad nitong ibinalita ang pagkapanalo nito.
Lalo umano itong natuwa matapos malaman na malaki ang kalamangan nito sa kanyang kalaban.
Masaya rin ito dahil nahalal din ang anak nitong si Sebastian Duterte bilang Vice Maor ng Davao at ang panganay naman nitong anak na si Paolo Duterte ay muling nahalal bilang kongresista at maging ang dalawa nitong apo ay nagwagi din sa katatapos na 2025 midterm election.