Naitala ng Philippine Institute of Volcanology ang Siesmology (Philvocs) ang magnitude 5.8 na lindol sa lalawigan ng Sarangani nitong umaga ng Miyerkules, Abril 16, 2025.
Dakung 5:42 ng umaga ng umuga ang lupa at tinatayang nasa 42 kilometro ang sentro nito a timog-kanluran ng Maitum na may lalim na 10 kilometro.
Sa pagtala ng Philvocs ang naturang lindol ay dulot ng paggalaw ng tectonic plates.
Naramdaman din ang lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao tulad ng Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat na may intensity IV.
Intensity III hanggang Intesity 1 naman ang naramdaman sa mga kalapit lugar nito katulad ng General Santos City, Koronadal, Davao City at Bukidnon.
Ayon sa Philvocs, maari pang nakaranas ng aftershock at posibleng pinsala habang patuloy ang monitoring ng mga awtoridad.