DICT, Deped at ilang institusyong pang-edukasyon magtutulungan sa pagpapalakas ng digital learning sa bansa

Nakatakdang magtulungan ang Department of Information and Communication Technology (DICT), Department of Education (DepEd), ilang mga institusyon pang-edukasyon at digital platform upang mas lalo pang mapalakas ang digital learning sa boung bansa.

Ito ay matapos lagdaan ng naturang ahensiya ang isang Memorandum of Agreement na may adbokasiyang mailapit ang digital education sa mga mag-aaral at komunidad.

Ang paglagda ng naturang memorandum ay dinaluhan ni DICT Secretary Henry Rhoel Aguda Assistant Secretary Aurelio Paolo Bartolome ng Department of Education, President Raquel Wong ng kabahaging institution at ang CEO ng isang digital platform na si Bran Relauo,

Kasabay ng paglunsad ng adbokasiya ay namahagi sila ng 100 tablet at tatlong satellite internet sa mga pampublikong paaralan sa bahagi ng Cebu,

Kaya naman ipinagpasalamat ni DICT Secretary Aguda ito matapos ihayag ng isang digital platform CEO na si Bran Reluao ang kanyang paniniwala na malaki ang papel ng digital technology sa pag-usbong ng edukasyon sa bansa.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top