Mga kapulisan binalaan ni Chief of Police General Rommel Francisco Marbil na maging nuetral at hindi partisan

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang mga kapulisan na dapat umano na sila ay maging nuetral matapos magviral ang video ng isang police na kung saan naglabas ng kanyang saloobin matapos ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito ay sinampahan na ng kaso si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas ng Quezon City Police District (QCPD) matapos itong maglabas ng kanyang saloobin sa social media.

Nilinaw ni PNP Cheif na ang PNP ay isang pillar ng law ang order at hindi plataporma ng palabas ng personal o political agendas.

Ayon pa sa kanya ay hindi umani nila papalampasin ang sinumang unipormadong pulis na maging partisan na siyang nakakasira sa tiwala ng publiko sa mga kapulisan.

Sa kasalukuyan si Fontillas ay nahaharap sa kasong Inciting to Sedation at paglabas sa Cybercrime Law na isinampa ng QCPD.

Back To Top