Nakatakda ng buksan sa publiko ang biyahe ng Tren mula Calamba hanggang Lungsod ng Legaspi na magkokonekta sa mga lalawigan ng Laguna, Quezon at Bicol.
Ayon sa Philippine National Railway ay mababawasan ang oras ng biyahe ng mga mamamayan papunta ng Bicol at Calamba at karatig lugar nito mula sa anim hanggang walong oras ay maari nang makarating sa destinasyon sa loob lamang ng dalawang oras.
Ayon sa ilang commuters ay malaking tulong ito sa kanila kapag ito ay maisakaturan dahil marami umano ang magbebenepisyo nito lalo na sa mga nagtratrabaho sa quezon na mga nakatira ng bicol dahil maari na silang umuwi anumang araw na nais nilang gustuhin.