Pinatitigil ng Supreme Court (SC) ang pagpapatupad ng disqualification order na ipinataw ng Commission on Elections laban sa limang lokal na kandidato.
Sa inilabas na kautusan ng SC pinatitigil nito ang diqualification case laban kina dating Caloocan Representative Edgar Erice na tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito, Subair Guinthum Mustapha, Charles Savellano, Chito Bulatao Balintay at Florendo de Ramos Ritualo Jr.
Si Mustapha at Savellano ay idineklarang nuisance candidate ng commission on election na tatakbo bilang isang senador at kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur ayon sa pagkakasunod sunod.