Tuluyan ng binuksan ng Department of Public Works and Highway ang kalsada sa Barangay Kabungahan, Labo, Camarines Norte matapos itong isara ng ilang araw dahil sa nangyaring landslide at pagkasira ng kalsada.
Ayon sa DPWH, tanging mga light vehicles lamang ang maaring makadaan sa naturang kalsada at pinaalalahanan pa rin nito ang mga motorista na sundin ang panuntunan na ibinigay ng DPWH.
Sa ngayon ay isang linya lamang ang nadadaanan kaya asahan pa rin ang matinding traffic.