Dalawa katao patay dahil sa pananalasa ng Bagyong ADA

Dalawa katao ang naiulat na namatay sanhi ng pananalasa ng Tropical Storm Ada na nagdulot ng malalakas na ulan, pagbaha at landslide sa rehiyon ng Bicol.

Ang mga nasawi ay mula sa Matnog Sorgogon na natabunan ng lupa at mga tipak ng bato nitong madaling araw ng Sabado. Halos limang oras ang isinagawang rescue operation bago nailabas ang mga labi ng biktima.

Apektado naman ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Baras, Catanduanes dahil sa makapal na putik at debris ba dumausdos mula sa kabundukan na nagdulot rin ng pagkasira ng ilang kalsada sa nasabing lugar.

Zero Visibility naman ang naranasan ng mga taga Caramoan Camarines Sur dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan at napasok na rin ng tubig-baha ang mga paaralan at sementeryo.

Nagpatupad naman ang pre-emptive evacuation sa Viga para sa mga residente sa high-rish areas, Naitala rin ang mga landslide sa ibang bahagi ng Camarines Sur.

Sa Guinobatan – Mayon Road Albay naman ay dumausdos ang lumang lahar deposit ng Bulkang Mayon na nagdulot ng abot tuhod na pagbaha na may kasamang buhangin at bato samantalang pinilit namang isara ang ilang spill ways sa Salvacion, Inararo at Budiao dahil sa pagtaas ng baha

Sa talaan na inilabas ng Albay Provincial Social Welfare and Development Office umaabot sa 11,000 katao ang lumikas mula sa walong bayan.

Patuloy naman ang monitoring ng mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top