Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte na natakot si Senate President Chiz Escudero kaya hindi itinutloy ngayong 19th Congress ang impeachment laban sa kanya.
Ayon pa dito kilala nya ang senador na matapang kaya imposibleng matakot ito sa kanya para sa kanyang impeachment. May ilang dahilan din ang senado kung kaya hindi agad nila tatalakayin ang impeachment laban sa kanya.
Sa kabila nito ay nakahanda umano ang kanyang legal counsel sakaling ituloy ang impeachment laban sa kanya.
Magugunitang kamakailan ay ipinagpaliban ni Senate President Escudero ang impeachment dahil bitin na sila sa oras sa proseso at paghahanda kaya mabuti na lamang sa susunod na 20th Congress na ito talakayin.