Tatlo katao ang namatay matapos araruhin ng isang trailer truck ang 2 motorsiklo, 1 kotse at 1 AUV sa Batasan-San Mateo Road sa lungsod ng Quezon nitong 11:30 ng gabi ng May 28, 2025
Arestado naman ng kapulisan ang 38-taong gulang na driver ng truck.
Sa inisyal ng imbestigasyon habang binabaybay nito ang kahabaan ng Batasan-San Mateo Rd ay bigla umanong itong nawalan ng preno kaya hindi na nito nakontrol ang takbo ng sasasakyan.
Ang naturang insidente ay nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan.