Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz-Naronjo nagpahayag ng katuwaan matapos isama sa Palarong Pambansa Demonstration skills ang Weightlifting

Nagpahayag ng katuwaan si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz-Naranjo matapos isama ang weightlifting bilang bahagi ng demonstration sports sa ika-65 Palarong Pambansa na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Sr. Memorial Stadium sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

Ayon kay Diaz, isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagpapatatag ng grassroots development ng naturang sports sa bansa.

Umaaasa umano siya na maging regular na bahagi ng Palaro ang weightlifting sa susunod na taon na may 10 hanggang 15 rehiyon at 150 atleta na sasali.

Napagsalamat din ang gold medalist athelete sa Department of Education sa kanilang naging hakbang na bigyang pansin ang Weightlifting sa bansa.

Umaabot sa 15,000 delegado mula sa 20 atheletic associations, kabilang ang 18 rehiyon ng bansa, ang National Academy of Sports at Philippine Overseas Schools ang lumahok sa isinasagawang Palarong Pambansa 2025 na pinasimulan noong May 24 at magtatapos sa Mayo 30, 2025.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top