Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos jr ang mga batang atletang pinoy na lumahok sa palarong pambasa na ipursige ang kanilang mga pangarap.
Ito ang kanyang naging pahayag sa pagbubukas ng Palarong Pambansa bilang panauhing pandangal na marami sa mga atlete ang posibleng makaabot hindi lamang Palarong Pambansa kundi maging sa Southeast Asian Games, Asian Games at maging sa Olympics.
TIniyak nito na susuportahan ng pamahalaan ang mga atlete na gustong maabot ang kanilang parangap na makarating sa pandaigdigang paligsahan ng palakasan,
Gayunpaman, maaring may manalo at may matalo subalit binati pa rin niya ang mga ito dahil hindi biro ang pinagdaanan ng mga atleta bago makarating sa national level.