Dismayado si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio matapos itong sampahan ng kaso dahil umano sa pagbili ng ahensiya ng P1.4 bilyong halaga ng lupain.
Ayon kay ignacio, noong 2018 habang siya ay deputy administrator ay lumabas ang nasabing planong pagbili ng lupa.
Kasama niya ang ilang opisyal ng OWWA sa pagdinig sa senado ukol sa nasabing usapin.
Pinangawatanan nito na walang anumang iregularidad ang nasabing kontrata dahil isinanggunio pa nila ito sa Department of Budget and Management habang ang bibilhing lupain sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ay mismo ang Landbank ang nagsagawa ng evaluation kung saan nakakuha sila ng permit din sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
Ang lupaing nabili ng OWWA ay pagtatayuan sana ng mga panandaliang pagpapahingahan ng mga OFW habang sila ay naghihintay ng kanilang biyahe pauwi ng probinsiya.