Ina ng binatilyong nahuli sa buybust operation ng PNP umapela ng masusing imbestigasyon

Umapela ng isang malalim na imbestigasyon ang ina ng isang binatilyong nahuli sa bahagi ng Barangay Calasgasan sa isinagawang operasyon ng PNP nitong araw ng Martes, April 29, 2025.

Ayon sa ina ng biktima inihatid lamang umano ng binatilyo ang kanyang gf sa bahagi ng brgy calasgasan na kung saan dito ito nahuli ng mga operatiba ng Philippine National Police at di umano niya alam kung paano nagkaroon ng baril ang kanyang anak.

Narito ang kanyang pahayag, “Nanawagan po aq sa kinauukulan Na sana. Maimbistigahan. Yung nangyring Buy bust. Sa Anak q. Tapos, Sasabihin, May Baril ni hindi. Pa Nkakahawak. O nkakakaita ng Totoong Baril”.

Matatandaan na noong Abril 29, 2025 ay nasagawa ng isang buybust operation ang kapulisan at dito nga nahuli ang binatilyo at nakunan ng isang unit ng Cal. 45, Steel Magazine, dalawang piraso ng live ammunation at perang 1000 na nakabalot ng siyam na piraso ng boodle money.

Back To Top