Isang Binata Arestado sa buybust operation sa bayan ng Daet

Daet, Camarines Norte — Arestado ang isang 24-anyos na binatilyo sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Camarines Norte PFU (lead unit), Daet MPS, CN 2nd PMFC, 503rd MC RMFB5, at 91st SAC, dakong alas-9:30 ng gabi nitong Abril 29, 2025, sa Purok 3, Brgy. Calasgasan, bayan ng Daet.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Toto,” binata, at residente ng Purok 4, Vivencio St., Brgy. II, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, narekober mula sa pagmamay-ari at kontrol ng suspek ang sumusunod na mga ebidensya:

-Isang (1) yunit ng hinihinalang Cal. 45 na baril na may trademark na COLT MK IV SERIES 80 at serial number na 164872;

-Isang (1) piraso ng steel magazine para sa nasabing baril;

Dalawang (2) piraso ng live ammunition para sa Cal. 45; at

Isang (1) Php1,000 bill na may serial number FP591245 na nakabalot ng siyam (9) na piraso ng boodle money.

Isinagawa ang operasyon bilang tugon sa mga paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code.

Matapos ang pagkakaaresto, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at dinala ito sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa kaukulang medikal na pagsusuri.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Daet Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

source: Camarines Norte Police Provincial Command – Pulis Bantayog

Back To Top