Lalaki, Arestado sa COMELEC Checkpoint; Baril, mga bala at iligal

Paracale, Camarines Norte — Isang lalaki ang naaresto ng mga tauhan ng Paracale Municipal Police Station matapos mahuli sa kalagitnaan mg pagsasagawa ng COMELEC checkpoint sa Barangay Gumaus, dakong alas-12:05 ng tanghali nitong Abril 27, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Tim,” 35 taong gulang, isang minero at residente ng Purok 5, Barangay Malaya, Labo, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng COMELEC checkpoint ang pulisya ng Paracale MPS, napansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek na nagtangkang tumakas at agad itong naaresto ng mga operatiba.

Sa isinagawang inspeksyon, narekober mula sa isang gray sling bag ng suspek ang isang hinihinalang 9mm caliber na baril na may naka-insert na magazine na naglalaman ng limang (5) bala. Nabigo ang suspek na magpakita ng kaukulang dokumento para sa nasabing baril. Nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang apat (4) na heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang “shabu.”

Ang search, pagmamarka, at imbentaryo ng mga ebidensya ay isinagawa sa presensya ng mga mandatory witness, kabilang ang isang miyembro ng media at isang halal na opisyal ng Barangay Gumaus. Agad ring ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Paracale MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

source: Camarines Norte Police Provincial Office – Pulis Bantayog

Back To Top