Hindi magiging maganda ang ikalawang linggo ng buwan ng abril sa mga operator at driver ng transport group dahil sa napipintong pagtaas ng presyo nito batay na rin sa pagtaya ng Department of Energy (DoE) na kung saan ito ay aabot hanggang Php 0.24 kada litro ng gasolina.
Ang halaga ng diesel ay papalo sa halagang Php 0.21 kada litro samantalang maaring manatili ang presyo ng kerosene sa merkado.
Ayon sa DOE ang naturang pagtaas ng presyo ay dahil sa ipinataw na mataas na taripa ni US President Donald Trump sa maraming bansa.