Patuloy na binabantayan ni Vice President Sara Duterte ang kanyang ama na nasa pangangalaga ng pagamutan sa loob ng pasilidad ng International Criminal Court.
Ayon kay VP Sara na dumalaw noong araw ng martes na maayos naman ang kalagayan ng kanyang ama at nasa high spirit umano ito at nakakakain ito sa tama dahil mayroong kain na inihain.
Sa kasalukuyan ay tuloy tuloy pa rin ang pagpupulong ng bise presidente sa mga abogado ng ama mula ng madala ito sa the Hague sa Netherland.
Matatandaan na noong March 12 ay inaresto ang dating pangulo at kaagad itong dinala sa The Hague upang litisin dahil sa madugong kampanya nito laban sa illegal na droga sa kaniyang termino.