Department of Migrant Workers nagbabala sa mga OFW sa isinasagawang kilos protesta sa The Hague Netherlands

Nagbigay babala ang Department of Migrant Workers sa mga Overseas Filipino Workers sa mga isinasagawa nitong akdibidad na kanilang sinasalihan hinggil sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court.

Sa ulat na nakarating sa DMW ilan umanong mga Pilipino sa The Hague, Netherlands ang sumasali sa mga ikinakasang kilos-protesta na may kaugnayan sa kasalukuyang isyu ng dating pangulo.

Ayon kay Secretary Hans Leo Cacdac ng DMW, dapat umanong sumunod sa batas ng bansa ang mga manggagawang Pilipin upang hindi magkaroon ng posibleng problema sa hinahanarap.

Ngunit payo naman niya sa mga ito na buksan ang mga puso at isipan patungkol sa usapin ng mga kinakaharap na kaso ni Former President Duterte.

Back To Top