Pili PNR Station Pormal ng binuksan para sa mga pasahero

NAGA CITY – Pormal ng binuksan ng Philippine National Railways ang bagong PNR Station sa bahagi ng Pili, Camarines Sur na kung saan ito ay may malawak na babaan at sakayan ng mga pasahero.

Ito ay pinasinayaan sa pamumuno ni General Manager Engr. Deovanni S. Miranda. Ayon sa opisyal ang naturang estasyon ay binuhusan ng pundong 4.9 million peso at compliant sa gender and development quality, accessible para sa mga person’s with disability, may lugar para sa mga nagpapadede at palikuran upang hindi maghahanap pa ang pasahero kung nag stop-over lamang. Mataas na rin umano ang platform nito ay hindi na kailangan ng apakan o hagdan upang maabot ang pintuan ng tren.

Ang tren ay umaalis ng Naga patungong Legaspi ng ala-singko y medya ng hapon habang 4:49 ng umaga naman sa bahagi ng Legazpi City.

Kasunod ito ay nakatakda ding isaayos ng PNR ang Libmanan Station at pagpapaganda pa ng Naga Station na siyang sentro ng kalakalan sa rehiyong bicol.

Back To Top