3 Lalawigan sa bansa nasa ilalim ng Danger Level dahil sa tindi ng init ng panahon- PAGASA

Muling nagpaalala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa mga naninirahan sa ideneklarang makakaranas ng heat index.

Ayon sa PAGASA tatlong lalawigan sa Luzon at Mindanao ang makakaranas ng matinding init at maalinsangang panahon ngayong araw na maaring pumalo hanggang 42°C ang heat index sa bahagi ng Dagupan City sa Pangasinan, Appari sa Cagayan at Zamboanga City sa Zamboanga Del Sur.

Ang naturang init ng panahon ay ikinukunsidera bilang “danger” level na makapagdudulot ng mga panganib tulad ng heat cramps, pagkahapon at potensial na heat stroke kapag matagal na nakabilad sa araw.

Back To Top