Kasunduan sa pagitan ng Blue Star Corp at Gobyerno kinansela ng DENR

Kinansela ng Department of Environment and Natural Resources ang kasunduan sa pagitan ng Blue Star Corp na siyang magdedevelop ng Masungi Georeserve dahil umano sa illegality ng nasabing Kontrata.

Ayon sa DENR ay nagpadala sila ng sulat kay Ben Dumaliang na siyang may-ari ng naturang kontrata upang ikansela ang kanilang napagkasunduan.

Ilan sa mga iniliad ng DENR ay ang kulang ng Presidential Proclamation na ang kontrata ay para sa housing at wala rin umanong dokumentong nagpapatunay na ang constructions ay dumaan sa regular na bidding process.

Hindi rin nasunod ng kumpanya ang pagdeliver ng 5,000 unit Garden Cottages Housing Project sa loob ng limang taon mula ng pirmahan ang kontrata noong November 15, 2022.

Ayon pa kay DENR Asst Secretary for Legal Affairs Norlito Enaran inaatasan nito ang Blue Star na lisanin ang lugar sa 300 hektarya kung saan matatagpuan ang Masungi Geopark Area bunsod na rin sa pagkakansela ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng kompanya.

Back To Top