Pinagbawalan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pulitiko na magpakita o mamigay ng anumang materyales na mayroong nakaimprentang mukha ng kakandidato sa nalalapit na National at Local na Halalan sa tuwing sila ay mamamahagi ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP)
Ito ay bunsod ng mga reklamo na kung saan naabuso umano o sinasamantala ng ilang mga pulitiko ang nasabing pamamahagi ng ayuda.
Kasama ng DSWD and Department of Labor and Employement (DOLE) at National Economic and Development Authority (NEDA) na nagsumite ng Joint Memorandum Circular 2025-01 o ang implementing rules sa AKAP program na kanilang isinumite sa Commission on Election (COMELEC).