Month: February 2025

Dengue Fast lane sa mga hospital muling bubuksan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa ilang bahagi ng bansa ay inatasan ng Department of Health ang lahat ng government hospitals na buksan ang kanilang dengue fast lane.. Ayon pa dito kailangan umanong tiyakin ng government hospital ang gumagana at mayroong sapat na kagamit ang mga dengue fast lanes […]

Camarines Norte Nagbigay-Pugay kay Colonel “Turko” Boayes sa ika-50 Anibersaryo ng Kamatayan

Inalala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ng Padilla-Ascutia Administration, sa pangunguna ng Museum, Archives and Shrine Curation Division at pakikipagtulungan ng Provincial Tourism Operations Office sa pamumuno ni Ginoong Abel Icatlo, ang ika-50 anibersaryo ng kamatayan ni Colonel Francisco “Turko” D. Boayes noong Pebrero 21, 2025. Ginanap ang paggunita sa 501st Community […]

Walang Pasok | February 21, 2025

Dahila sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa shearline ilan sa mga pribado at pampublikong paaralan ang nagsuspende ng kanilang klase ayon na rin sa Deped Order na ipinalabas ng Department of Education. Narito ang ilang paaralan o munisipalidad ang nagsuspende ng klase SORSOGON ALBAY OTHER PROVINCES OUTSIDE BICOL REGION Maliban dito […]

Lalaki patay matapos pagtatagain ng suspect sa Bula Camarines Sur

 NAGA CITY – Pinagtataga-patay ang isang lalaking napagbuntungan lamang ng galit sa bayan ng Bula, sa Camarines Sur. Kinilala ang biktima na si Christian Llavanes, 33 taong gulang, at residente ng Zone 4A, Brgy. Casugad sa nasabing bayan. Ayon kay Police Corporal Manny Ama, Public Information Office at Police Community Affairs and Development ng Bula MPS, […]

Pagbabawal ng Plastic sa mga establismento muling tatalakayin sa Sangguniang Panlalawigan

Pag-aaralan o muling tatalakayin ng Sangguniang Panlalawigan ang mga ordinansa na may kaugnayan sa regulasyon ng paggamit ng plastic sa mga pamilihan, groceries at tindahan sa lalawigan para malaman ang mga dahilan kung bakit hindi ito epektibong naipatutupad. Ito ang napagkasunduan sa SP sa pangunguna ni Vice Governor Joseph Ascutia sa harap ng lumalalang problema […]

Facebook live videos, tatagal na lang ng 30 araw

Inanunsyo ng Facebook na tatagal na lamang ng isang buwan ang mga na-publish na video sa pamamagitan ng live broadcast sa kanilang platform. “Beginning on February 19th, new live broadcasts can be replayed, downloaded or shared from Facebook Pages or profiles for 30 days, after which they will be automatically removed from Facebook,” saad ng […]

Panunumpa ng mga Opisyal ng CNPPO Press Corps; Isang Bagong Kabanata

Minarkahan ng isang makabuluhang pangyayari ang pag-upo ng mga bagong opisyal ng Camarines Norte Press Corps (CNPC) noong ika-19 ng Pebrero, 2025 sa Anita’s Restaurant, Brgy. San Jose Talisay, Camarines Norte. Ang seremonya ng panunumpa, na ginanap sa ilalim ng pangangasiwa ng Camarines Norte Provincial Police Office (CNPPO) na pinasinayaan Ng iginagalang na Gobernador Hon. […]

Drug Buybusy Operation sa Paracale Naging Matagumpay Babaeng Suspect Arestado

Paracale, Camarines Norte – Isang babaeng pinaghihinalang tulak ng droga ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Paracale Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office V (PDEA ROV) sa Purok 6, Barangay Tugos, bandang 10:11 PM nitong Pebrero 18, 2025. Kinilala ang suspek na si alyas “DADA,” 40-anyos, walang trabaho, […]

Seminar ng BPSO Nating Matagumpay para sa mas Ligtas na Daet sa Tulong ng mga Tanod

Daet, Camarines Norte – Isang matagumpay na seminar ang isinagawa ng Barangay Public Safety Office (BPSO) noong Pebrero 18, 2025, na dinaluhan ng mga tanod mula sa 25 barangay ng Daet. Layunin ng seminar na palakasin ang kapayapaan at pagresolba ng mga alitan sa komunidad, at bigyan ng mahahalagang kasanayan ang mga tanod upang maging […]

Tagumpay ng Mr and Ms RSCUAA V 2025: Isang Pagdiriwang ng Talento at Pagkakaisa

Isang matagumpay na gabi ang naganap sa Eco Field, Daet, Camarines Norte noong ika-18 ng Pebrero, 2025, sa pagtatapos ng Mr. at Ms. RSCUAA V 2025. Bahagi ito ng mas malawak na pagdiriwang, ang Bicol RSCUAA V 2025 – Beyond the Finish Line: Celebrating Sports and Camaraderie, na nagpakitang-gilas hindi lamang sa larangan ng palakasan […]

Back To Top