Pagkakatanggal ng bansa sa Grey List ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang

Nagpahayag ng katuwaan ang Palasyo ng Malakanyang matapos na matanggal ang Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force o FATF.

Ayon sa palasyo malaking tulong umano ito sa ekonomiya ng ating bansa at maging sa mga Overseas Filipino Workers mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang hakbang na ito ay makakahikayat ng mas maraming dayuhang mamumuhunan, na lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at magpapalakas sa ekonomiya ng bansa.  

Ayon kay Bersamin matagal ng panahong naapektuhan ang pagpasok ng mga foreign investor dahil sa imahe ng Pilipinas ilang isang “dirty money haven”.

Ang pagkakatanggal umano nito ay resulta ng mga reporma ng administrayong marcos upang labanan ang money laundering at terorism financier sa bansa.

Back To Top