Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa ilang bahagi ng bansa ay inatasan ng Department of Health ang lahat ng government hospitals na buksan ang kanilang dengue fast lane..
Ayon pa dito kailangan umanong tiyakin ng government hospital ang gumagana at mayroong sapat na kagamit ang mga dengue fast lanes upang kaagad malapatan ng lunas ang biktima ng naturang sakit.
Inihanda na rin ng DOH ang mga dengue kits na gagamitin ng mga local government units (LGU).
Sa tala na nakuha ng DOH mula sa unang araw ng enero hanggang ika-15 araw ng Pebrero ay nakapatala ng 43,732 dengue cases at mas mataas ito sa 27,995 na kaso ng parehas na buwan noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga kasong naitala ay sa Calabarzon na sinundan sa National Capital Region at Central Luzon.
732