Pansamantalang hindi makakapaglaro si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas para sa third window ng FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin nitong buwan ng Agosto.
Ayon kay Gilas Coach Tim Cone, kailangan umanong gumaling ang torn ACL sa tuhod ni Sotto bago ito muling makapaglaro at ito ay aabutin ng halos isang taon kaya imposibleng makasama siya sa torneo sa gaganapin sa Saudi Arabia.
Target naman nito na maisama si Sotto sa World Cup qualifiers sa susunod na taon.