𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜 𝗣𝗨𝗥𝗣𝗢𝗦𝗘 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗘𝗟𝗘𝗡𝗔, 𝗝𝗢𝗦𝗘 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Pinangunahan ni Congresswoman Josie Baning Tallado ang pagpapasinaya sa bagong Multi-Purpose Building sa barangay Sta. Elena, Jose Panganiban noong Sabado, ika-25 ng Enero, 2025.

Sa aktibidades, makikita ang sayang nararamdaman ng buong konseho sa pamumuno ni Punong Barangay Analyn Manzon na naging katuwang sa ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng pagbubukas nito sa publiko.

Ayon nasabing pasilidad ay magagamit na Evacuation Center pag may kalamidad. Magagamit din ng mga residente ng naturang komunidad at karatig lugar para sa pagsasagawa ng iba’t ibang programa at aktibidad.

Dumalo sa seremonya sina Aspirant Vice Mayor at kasalukuyang konsehal na si Hon. Artem Andaya, Councilor Grace Villablanca at kasalukuyang Punong Barangay ng Bagong Bayan, Aspirant Councilor Jason Ariola upang ipakita ang kanilang suporta.

Tiniyak naman ni Congw. Tallado ang patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang opisyales mga barangay para sa paghahatid ng mga makabuluhang programa at proyekto hatid ng serbisyong Alagang Nay Josie.

Back To Top