Umaabot na sa 38 Overseas Filipino Workers na nagtratrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo ang nahatulan ng parusang bitaw ayon sa naging pahayag ni Atty Hans Leo Cacdac ang kasalukuyang Secretary ng Department of Migrant Workers.
Ayon sa kanya patuloy ang kanilang isinasagawang pagmonitor sa mga Pilipinong mapaparusahan ng kamatayan at karamihan dito ay mula sa bansang Saudi Arabia o Middle East na sangkot sa pagpatay, iligal na droga at iba pang mabibigay na mga kaso.
Samantala, sinuguro naman ng kalihim ang kaanak ng mga OFW na tutulungan pa rin ng pamahalaan ang mga Pilipinong nahatulan ng kamatayan at hindi lamang legal assistance ang maari nilang ibigay bagkus hahatiran din nila ng tulong maging ang pamilya ng mga ito.
Sa kabila nito ipinagmalaki naman ng DMW Sec Cacdac na mayroong patutunguhan ang kanilang pag asiste sa mga Pilipinong may hatol na bitay at ilan sa kanila at napawalang sala na sa kinakaharap na parusa.
Sa ngayon ay patuloy pa rin nilang binibigyang pansin ang pag-antabay sa magiging resulta ng kaso ng mga tinutulangan nilang Overseas Filipino Workers sa ibang bansa.