Dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson tuluyan ng umatras sa pagkasenador

Tuluyan ng nagwidraw ng kanyang kandidatora bilang senador si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa Commision on Election matapos nitong ihayag ang pagwidraw noong Enero 12, 2025

Ayon kay Singson, matagal umano niyang pinag-isipan ang kanyang desisyon at ipinahayag nito nakahit hindi umano siya tumakbo bilang senador ay patuloy pa rin ang pagtulong nya sa mga transport group, partikular sa mga jeepney drivers sa pamamagitan ng kanyang programa. Naniniwala siya na kahit wala siyang posisyon sa gobyerno ay maari din siyang makatulong sa kanyang kapwa.

Ayaw umano niyang palalain pa ang kanyang nararamdamang sakit kaya mas minabuti niyang iatras ang kanyang laban.

Back To Top