Pinapurihan ng mga netizens lalong lalo ng mga pasahero ang inisyatibo ng isang Bus Company papunta at paluwas ng Bicol Region na kung saan ay hindi na ito nakipagsapalaran na dumaan sa Andaya Highway at mapabilang sa mga biyaheng patuloy na nakakaranas ng matinding traffic.
Ayon sa netizen pagdating sa lugar ng landslide sa bahagi ng Cabungahan ay bumababa sila ng bus upang lumipat ng bus na nag-aabang naman sa unahang bahagi nito at ang maganda pa rito ay may service ng tricycle na binayaran na rin mismo ng Superline Bus Company.
Sa kabilan ito ay pinaalalahanan din nito ang ilang magbabakasyon patungo manila o kaya naman sa Camarines Norte na iwasang magdala ng maraming gamit upang hindi na sila mahirapan sa paglalakad patungo sa bus na lilipatan.