All-set na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) magbibigay seguridad sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa December 16,2024 hanggang sa bisperas ng Pasko.
Ayon kay NCRPO Chief PBGen. Anthony Aberin na bukod sa mga pulis na papakalat sa mga simbahan may mga pulis din ang naka stationed sa lahat ng mga transportation hubs.
Pinag-iingat din ni Aberin ang publiko sa mga snatchers at salisi gang lalo na sa mga matataong lugar.
Dagdag pa ni Aberin na huhugot sila ng dagdag na mga personal mula District Mobile Force Battalion at Regional Mobile Force Battalion maga magsilbing augmentation force.
source: Bombo Radyo Philipines