Hindi pa man nakakabawi ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas sa katatapos mga bagyo na nagdulot ng sunod sunod na pagbaha sa kanilang lugar ay nagpaabot ng balita ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Sciences Administration na posibleng ideklara ang pag-iral ng La Ñina ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon kay Administrator Nathaniel Servando, posible umanong pormal na ideklara ng ahensiya ang pag-iral ng naturang climate phenomenon dahil nakikita na ang mga maagang palatandaan nito.
Ito ay maari umanong tumagal hanggang sa unang quarter ng 2025.
Inaasahan na sa ilalim ng La Ñina ang malamig na panahon at mas mabigay na pag-ulan na maaring magresulta ng mas madalas na pagbaha at pagguho ng lupa.