Philippine Coast Guard sinuspende ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat, 20 individual stranded sa Pandawan ng Mercedes

Mercedes, Camarines Norte – Nagpalabas ng abiso ang Philippine Coast Guard sa Bayan ng Mercedes na pansamantalang suspendido ang paglalayag ng anumang uri ng maliliit na sasakyang pandagat kasama ang mga pampasaherong bangka na siyang nagtatawid ng mga pasahero mula sa bayan ng Mercedes patungo sa Barangay Manguisoc at karatig Barangay nito.

Dahil dito ay umaabot sa dalawampung residente ng naturang barangay ang hindi nakatawid na kaagad namang sinaklolohan ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management upang sila ay maihatid ng libre patungo sa kanilang lugar.

Upang makarating sa mga Riverblocks Barangay gamit ang panlupang sasakyan ay iikot ang sasakyan ng ilang kilometro at dadaan pa ito sa bayan ng Basud papasok sa mga coastal barangay.

source: Mayor Alex para sa Mercedes

Loading spinner
Back To Top