Di pa man nakaahon sa Bagyong Kristine at Pepito ay unti-unti na namang nakakaranas binabaha ang lalawigan ng Camarines Norte dahil sa patuloy na pag-ulan sa lalawigan.
Sa kasalukuyan ay mataas na ang level ng Labo River na kung saan malapit na nitong maabot ang kritikal level na maaring magdulot ng malawakang baha sa nasabing bayan.
Samantala sa Bayan ng Daet ay patuloy din ang pagtaas ng level ng tubig mula naman sa Daet River at ilan sa mga lugar tulad ng barangay San Isidro at ilang bahagi ng sentro sa bayan ng Daet.
Umapaw naman ang Spill Way ng Barangay Pambuhan na naging sanhi upang ang tubig ulan ay mapunta sa mga kabahayan.
Sa kalukuyan ang lalawigan ng Camarines Norte ay nasa ilalim ng Red Warning Signal o Heavy Rainful Warning na siya namang naging sa patuloy na pagtaas ng tubig at pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan.
Source: DWLB Labo, MDRRMO Mercedes