Pilipinong Sangkot sa Bilyong Pisong Investment Scam hawak na ng PNP

Hawak na ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ang isang Pilipino na sangkot sa bilyong pisong investment scam na naaresto sa Indonesia katulong ang Indonesian Police sa Bali, Indonesia.

Ang suspect ay nakilala sa pangalang Hector Pantollana na may kinakaharap na patong-patong na kaso sa bansa at may warrant of arrest para sa kasong syndicated stafa at swindling.

Si Pantolla ay nahuli ng mga awtoridad habang papasakay sa isang flight patungo ng Hongkong na kung saan ito ang kanyang pangalan ay nabibilang sa Red Notice mula sa International Police para sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 8799 o mas kilala sa tawag na Securities Regulation Code.

Loading spinner
Back To Top