Tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa di-umanong hitman na kinontak ni Vice President Sara Duterte upang ipapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Marcos kasama si House Speaker Martin Romualdez sakaling mauna raw siyang ipapatay.
Kamakailan sa isinagawang Virtual Media Briefing noong nakaraang Sabado, November 23 ay nagbitaw ang Pangalawang Pangulo ng mabibigay na salita laban sa Pangulo ng bansa kasama na rin ang First Lady at House Speaker.
Ayon kay Duterte, ang kanyang sinabi ay hindi direktang banta dahil gaya umano nung una nitong sinabi na huhukayin ang bangkay ng yumanong dating Pangulong Marcos at itatapos sa West Philippine Sea at ito umano ay hindi niya aktuwal na gagawin.
Gayunpaman ay nagpaliwanag naman si CIDG Director PBGen Nicholas Torre III, ang direktiba umano ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ay imbestigahan ang insidente at hindi ang mismong Bise Presidente.
Ayon pa dito sinisimulan na ng PNP ang kanilang motu propio imbestigation upang maresolba na ang nasabing isyu.