Winakasan na ng Israel at Iran ang kanilang digmaan matapos magkasusndo sa total ceasefire, ito ang naging pahayag ni US President Donald Trump.
Ayon kay US President Trump nagkasundo ang magkabilang panig na simulan ang ceasefire pagkatapos ng anim na oras.
Giit pa nito na tumugon ang dalawang lider ng bansa na magkaroon ng complete total ceasefire upang matapos na ang takot ng mga mamamayan at ang posibleng maging epekto nito sa ekonomiya ng boung mundo.
Ang ceasefire ay sisimulan ng iran at pagkatapos ng 12 oras ay susunod ang Israel hanggang opisyal na pagtatapos ng 12 na araw na giyera.
Nangyari ang pag-uusap matapos ang airstrike ng Iran sa base militar ng US sa Qatar.

